4 years forward since my last post
Whoooaaaa... it's been ages since I last posted. Mag-27 palang pala ako noong mag set ako ng goal para sa 30th birthday ko. And now I am 30! And yeah, goal achieved! Wala akong 1M pesos in cash but our assets are amounting to more than that (real estate, stocks, etc)
It feels way better when I was just day dreaming of this day. Noon naooverwhelm ako kapag naiisip ko ang amount na yon. Pero ngayon na meron na ako, ang liit liit lang pala na amount noon. But anyway, update sa long term goal, MAKAUWI FOR GOOD IN PH kapag nag high school ang anak namin. That's 5 years from now.haha. But katulad ng dati, walang imposible. Simple lang naman ang gusto ko para magdecide na akong umuwi kami. My hubby is just waiting for my signal since I take care of our finances. Ito lang naman consideration ko pag uuwi na kami.
Gusto ko may bahay kaming titirahan. (Plan ko kumuha kami pag uwi namin wether this year o next year which is 2019).
May 50k pesos monthly passive income kami: lending, real estate ( pagawan ng bahay ang lote namin sa Nasugbu at ienroll sa AIRBNB since tourist spot ang location, agri-land (saving and planning to buy a parcel of land possibly this year).
Gusto ko afford namin ang lifestyle na may 24 hrs aircon ang titirahan namin since galing kami sa malamig na klima, may kotse at sa dela salle Lipa mag aaral si Gian. Dapat may 2years worth of expenses kaming dala pag nagplan kami umuwi for good at higit sa lahat may health insurance na.
Not really simple siguro, okay, komportable na buhay ang gusto ko pag uwi namin. Sa current situation namin nakakaipon kami more or less 50k pesos monthly.
In five years time kapag ipon lang talaga ang gagawin 3Million pesos lang iyon. Way too low para sa target amount namin. Bahay palang na titirahan namin ubos na yon, how about ang pauupahang vacation house sa Nasugbu?(atleast 5Million pesos yon) ANg kotse?(1.2M) Ang insurance?(5k pesos monthly) Ang 2years worth ng gastos namin para sa pagsisimula namin? (1M)
Masyadong suntok sa buwan ang planong ito. Pero noong nag set ako ng 1Million pesos goal 5years ago imposible din yon noon. Kaya I know I can make it. I will make it and I will make it really really BIG.
Comments
Post a Comment